-- Advertisements --

Inaasahang bibilis pa ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon maging sa 2026.

Base sa report mula sa UN Department of Economic and Social Affairs, ang Pilipinas ang isa sa pinakamalakas na growth performers mula sa mga ekonomiya sa Southeast Asia.

Sa pagtaya ng UN, inaasahang bibilis pa sa 6.1% ang paglago ng ekonomiya ng PH ngayong 2025.

Habang inaasahang uusbong pa sa 6.2% ang economic growth ng bansa sa 2026.

Ayon kay UN Department of Economic and Social Affairs Economic Affairs Officer Zhenqian Huang, ang inaasahang patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa ay nagpapakita ng malakas na domestic demand, nagpapatuloy na public investments at positibong epekto ng kamakailang reporma sa polisiya sa pamumuhunan kaakibat ang mas masiglang labor market at lumalagong services sector.