Ikinatuwa ng Department of Tourism ang pagdating sa Pilipinas ng mga luxury cruise ship.
Ayon kay DOT Sec. Christina Frasco ang sunod-sunod na pagdating ng mga cruise ship ay patunay na lalo pang lumalakas ang turismo sa Pilipinas.
Kabilang na dito ang dumaong sa pantalan ng Romblon na MB Silver Shadow noong Febuary 10 na kauna-unahang bisita sa lugar matapos ang halos tatlong taong paghihigpit dulot ng COVID-19 pandemic.
Ito ay may sakay na 228 na mga turista mula sa Europa at Estados Unidos na nagmula sa Papua New Guinea.
Nagpahayag ng pasasalamat ang mga turista dahil sa mainit at pinakamahusay na pagtanggap na kanilang naranasan sa kanilang pagbisita sa Pilipinas
Kaugnay nito, mainit din na tinanggap ng Puerto Princesa City ang MP Seaborn noong Febuary 9 na may sakay na 512 turista at 482 crew.
Samantala sinabi ni Frasco na asahan pa ang pagdating ng maraming luxury cruise ship na may sakay na mga turista.