-- Advertisements --

Babandera ang Pinay Olympian at gold medalist na si Hidilyn Diaz-Naranjo sa gaganaping Smart-Samahang Weightlifting ng Pilipinas National Open Championship na magsisimula ngayong hapon sa Tagbilaran, Bohol.

Sa interview ng Bombo Radyo kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas President Monico Puentevella, nilinaw nito na exhibition muna ang gagawin ng bagong kasal lamang na si Hidilyn.

Kabilang kasi sa hangad ni Hidilyn ay magbigay ng inspirasyon sa iba pang mga atleta na kaya rin nilang umabot ng Olympics tulad ng kanyang panalo noong nakaraang taon sa Tokyo, Japan.

Ang maraming mga atleta na tumungo sa kompetisyon ngayon ay nag-aambisyon na madiskubre at mapasama sa mga international tournaments kabilang na ang gaganaping Phnom Penh Southeast Asian Games at sa gaganaping Hangzou Asian Games sa susunod na taon.