Pasado na sa bicameral conference committee (BICAM) ang panukalang batas na naglalayong ibigay lamang sa manggagawa ang ipinapataw na service charge ng establisamento.
Sinabi ni Senate committee on labor chairman Sen. Joel Villanueva na nagkasundo ang mga mambabatas na aprubahan ang bill, kung saan ibigay ang 100 porsyento ng nakokolekta sa service crew.
Ang pagsasabatas ng panukala ay bunsod ng mga reklamo na maliit na lang ang naibibigay sa mga trabahador.
Nabatid na 15 percent ng total bill ang nagiging basehan ng paniningil ng service fee.
At napupunta sa may-ari ng establisamento ang ibang bahagi, habang may ilang kompaniya na kalahati o higit pa ang kinakaltas.
Sakaling maging batas, babalangkas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng patakaran kung magkano ang ipapataw na multa at parusa sa mga lalabag na establisamento.