-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Central District of California Judge Terry Hatter Jr. ang unsealing o paglalabas ng arrest warrant laban kay Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy at kaniyang kapwa akusado.

Ang unsealing ng arrest warrant ay ni-request ng United States Attorney Criminal Division na hunahawak sa kaso ni Pastor Quiboloy kabilang na ang conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud, coercion, sex trafficking of children, conspiracy, at cash smuggling.

Ayon kay New York lawyer Lara Gregory, ito ang unang hakbang para sa extradition process ng US Department of Justice para kay Quiboloy.

Sinabi din ni Atty. Gregory na ngayong unsealed na ang arrest warrant para kay Quiboloy at kaniyang kapwa akusado, maaaring mag-isyu ang International Criminal Police Organization (Interpol) ng Red Notices para mailagay ang kanilang pangalan sa naturang lookout list.

Ipapaalam ito ng Interpol sa NBI ng PH at saka hihiling ang US Federal prosecutor ng provisional arrest ni Quiboloy at maghahain ng formal request para sa extradition nito.

Sa kasalukuyan, nanatiling wanted ng Federal Bureau of Investigation at pinaniniwalaang nasa PH sina Quiboloy at co-accused nito na sina Helen Panilag at Teresita Tolibas Dandan.