Naniniwala ang Commission on Human Rights (CHR) na lalo lamang magkakaroon ng “character assasinations and violence” sa paglalabas ng listahan ng mga politikong sangkot sa illegal drug trade.
Sa isang statement, binigyan diin ng CHR na malalabag ang karapatan ng isang indibidwal na magkaroon ng due process sa paglalabas ng narco list.
Iginiit ng CHR na kinikilala naman nila ang seriousness ng problema sa iligal na droga sa bansa, subalit tutol naman daw sila sa extrajudicial killings.
Nauna nang sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na pabor siya sa paglalabas ng naturang listahan bago ang halalan sa darating na Mayo para matulungan ang mga botante sa kung sino ang dapat iboto.
Nagpahayag din ng suporta rito si Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, mariing tinutulan naman ito ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Director General Aaron Aquino at nagsabi na mas mainam na sampahan na lamang ang mga nasa narco list ng karampatang kaso.