-- Advertisements --

Inaprubahan na ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang paglalabas ng P5 billion na halaga ng tulong para sa mga biktima ng bagyo.

Ayon sa kalihim, ang karagdagang pagpopondo para sa assistance program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para mabilis na matugunan ang mga pangangailangan ng mga komunidad na apektado ng kalamidad.

Sinabi ng ahensiya na isang mahalagang serbisyo ng DSWD ang AICS na nag-aalok ng medical, burial, transportation, education at food assistance gayundin ng tulong pinansiyal para sa mga indibidwal at mga pamilyang humaharap sa emergencies.