Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng P14.046 billion para sa pensyon ng mga retiradong sundalo para sa Hulyo hanggang Setyembre ng taong kasalukuyan.
Ito ay kasunod ng pag-apruba ni Budget Secretary Amenah Pangandaman noong Hunyo 14 sa kahilingan ng Department of National Defense-Armed Forces of the Philippines para sa paglalabas ng pondo.
Ayon sa kalihim, nagpapakita ang naturang pag-apruba sa dedikasyon ng gobyerno para bigyang pagpupugay ang serbisyo at sakripisyo ng mga sundalong Pilipino.
Nakatakdang magbenepisyo sa naturang pondo ang nasa 139,172 military pensioners at kanilang legal beneficiaries.
Magmumula ang pondo sa Pension and Gratuity Fund sa ilalim ng Fiscal year 2024 General Appropriations Act.