-- Advertisements --
PUVs

Matapos ang isinagawang hearing kaninang umaga, nagdesisyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magsumite pa dapat ng mga supplemental petition ang mga transport group na kinabibilangan ng Pasang Masda, ALTODAP at ACTO ukol sa kanilang orihinal na pisong provisional fare hike.

Sa naunang petisyon kasi ng mga naturang grupo, hindi naisama dito ang mga modernong jeepney, at tanging ang Metro Manila lamang ang sakop ng kanilang petisyon.

Bilang kasagutan, humiling ang mga nabangit na grupo ng karagdagan pang limang araw para makumpleto nila ang kanilang isusumiteng dokumento.

Dahil sa naturang kahilingan, itinakda sa Oktubre-3 ang panibagong pagdinig para sa kanilang petisyon.

Maliban sa hirit ng mga naturang grupo, plano ring isama ng LTFRB ang hiwalay na petisyon ng mga grupong Stop n Go at Fejodap para sa mga pampasaherong jeep sa buong bansa.

Ang naturang grupo naman ay humihilig ng P2 na dagdag pamasahe.