-- Advertisements --
image 144

Inihayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista na pinaplano ng Department of Transportation (DOTr) at Japan International Cooperation Agency (JICA) na maglagay ng mas maraming underground railway system sa Metro Manila na aabot hanggang Cavite.

Sa isinagawang Philippine Business Opportunities forum, inihayag ng kalihim na malaking tulong ito upang mabawasan ang trapiko.

Aniya, nasa planning stage na ang ang diskusyon kaugnay sa mga subways.

Sinabi ng cabinet official na ang mga nakaplanong subway ay maaaring konektado sa Metro Manila Subway Project, na kasalukuyang ginagawa.

Nilinaw naman nito na matatagalan pa ang paglagay ng railway system dahil kailangan pa nilang paghandaan ang feasibility studies.

Samantala, sinabi ni Bautista sa forum na dinaluhan ng Japanese business community na patuloy na ang operasyon ng tunnel boring machines para sa Metro Manila Subway.

Ang unang subway rail system ng Pilipinas ay bahagi ng “Build Build Build” flagship infrastructure program ng dating administrasyon.

Ito ay may 33 kilometro ang haba na may 17 istasyon.