-- Advertisements --

Sisimulan na ngayong linggo ang paglalagay ng mga directional islands sa mga kalsada papasok at palabas ng eliptical road sa Quezon City partikular na sa East Avenue, Quezon Avenue, Visayas Avenue.

Ang directional island ay inverted triangle na harang sa mismong kanto sa mga nabanggit na kalsada na layong mas maging maayos ang pagpasok at paglabas ng mga sasakyan mula eliptical road.

Dahil sa directional island hindi na direktikang tutumbukin ang mga motorista ang eliptical road at sa halip ay magkakaroon ng mas maayo sa direction paikot sa kalsada.

Patuloy namang inaabisuhan ang mga motorista na asahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa naturang lugar.