-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa ginawa nilang pag-aayos sa Manila Bay sa pamamagitan ng paglalagay ng dolomite sand.

Sa kaniyang pagpupulong sa gabinete nito, sinabi ng pangulo na maganda sa mata ang nasabing dolomite sands.

Maraming mga oportunidad na pagandahin ang Manila Bay at tanging si DENR Secretary Roy Cimatu ang nakagawa nito.

Magugunitang umani ng batikos ang ginawang paglalagay ng DENR ng mga dolomite sands sa Manila Bay na nagkakahalaga umano ng P389 milyon.

Pagtatanggol ng gobyerno na ang pondong ginamit dito ay matagal ng inilaan at ngayon lamang isinakatuparan ang proyekto.