-- Advertisements --

Nakatakdang komonsulta ang Department of Energy (DOE) sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa susunod na linggo hinggil sa paglalagay ng “green routes” para sa electric vehicles.

Sa pagdinig ng Senate finance subcommittee para sa 2023 budget ng DOE, pinaliwanag ni Energy Undersecretary Felix William Fuentebella na sa ilalim ng batas maaaring mabigyan ng non-fiscal incentive ang e-vehicles, ito ang exclusive lane green route.

Saad pa ng DOE official na target nila ang bus lane para gamitin para lamang sa electric vehicles.

Sa ngayon kasi ginagamit ng daanan para sa mga electric vehicles ang bicycle lanes na 2 wheels lang.

Dagdag pa ni Fuentebella na ang mga lokal na pamahlaan ang siyang mangangasiwa sa paglalgay ng green routes.

Kung kayat nakikipag-uganayan na rin ang DOE sa Department of the Interior and Local Government hinggil sa naturang plano.