Inaayos na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paglalagay ng mga bicycle lane sa mga pangunahing kalsada ng Metro Manila.
Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos, na pinaplantsa na nila katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Transportation (DoTr) at ilang non-governmental organization ang paglalagay ng mga ligtas na bike lanes.
Pagtitiyak nila na naaayon sa international standards ang nasabing mga bike lanes.
Nagtungo na rin si lungsod ng San Juan kung saan inikot ni Abalos kasama si Mayor Francis Zamora ang lungsod habang lulan ang bisikleta.
Pinuri ng MMDA chairman ang ginagawang road clearing efforts ng San Juan City government dahil sa kautusan ng Department of Interior and Local Government (DILG).