Maagang naglagay ng mga bandila ang mga tanggapan ng pamahalaan, mula sa national level hanggang sa mga lokal na komunidad.
Ayon sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP), bagama’t kalahating buwan naman ang okasyong ito, mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12, mahalaga pa ring maipabatid sa lahat ang kahalagahan ng okasyon sa mismong simula nito.
Maliban sa malalaking watawat, may mga ipinamahagi ring flaglets at ang iba naman ay mga simbulo na makikita sa kurtina at ribbon na makikita sa mga historical sites.
May mga pribadong grupo rin na namahagi ng bandila bilang pagpapamalas ng pagkamakabansa.
Ipinag-aanyaya naman ng NHCP ang aktibidad bukas sa Rizal Park na isa sa sentro ng mga kaganapan, ganun din sa Kawit, Cavite, kung saan unang iwinagayway ang ating national flag, kasabay ng deklarasyon ng ating kalayaan.