-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Aprubado ng Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) ang pagtatayo ng permanenteng border checkpoints sa mga boundary ng lalawigan.

Ang Cotabato Police Provincial Office sa pamumuno ni provincial dirctor Col. Henry Villar na siyang naghain ng resulosyon ay naglalayong palakasin pa ang kontrol ng pulisya sa mga borders.

Sa pamamagitan nito ay mas mapipigilan ang paglabas-pasok ng mga iligal na droga, maging ng mga kriminal sa lalawigan.

Ito ay ang hangganan ng Pigcawayan-Cotabato City, Pigcawayan-Boldon, Tulunan-Datu Paglas, Midsayap-Maguindanao, Makilala-Bansalan, Banisilan-Bukidnon, Carmen-Bukidnon at Arakan-Bukidnon.