-- Advertisements --

Maghihigpit na ang Department of Transportation (DOTr) sa mga trucks at pampasaherong buses.

Ayon sa DOTr aatasan na nila ang mga buses at trucks na maglagay ng speed limiting devices para mabawasan ang mga nagaganap na aksidente.

Ang nasabing polisiya ay nakasaad sa Speed Limiter Act of 2016.

Sa nasabing batas na ang paglalagay ng devices ay malilimitahan lamang ang bilis ng sasakyan ng hanggang 90 kilometers per hour.

Ang mga mahuhuling hindi naglagay nito ng speed limiting devices ay papatawan ng P50,000 na multa at maaring maharap sa pagkakakulong.

Magsasagawa muna ang DOTR ng pakikipagpulong sa mga stakeholders ukol sa nasabing usapin.