Ibabase ng Department of Health (DOH) sa dami ng mga establishimento na nabigyang ng safety seal sa isang bago ito isailalim sa Alert Level 1.
Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergerie na kapag maraming mga establishimento na nabigyan ng safety seal ay nakaktiyak na ito ay sumusunod sa alituntunin na ipinapatupad nila.
Ang safety seal ay ibinibigay ng local government o ilang mga ahensiya gaya ng Department of Labor and Employment (DOLE) , Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Tourism (DOT) at Department of Trade and Industry (DTI).
Kapag nabigyan ang isang establishimento ng safety seal ay nakakatiyak ang mga tao na sumusunod ang mga ito sa ipinapatupad na health protocols.
Ni-rerenew lamang ang nasabing safety seal tuwing anim na buwan at kapag nakitaan ng paglabag ay binibigyan ang mga ito ng 48 oras para ituwid ang pagkakamali.