-- Advertisements --

Hindi pa pabor sa ngayon si Health Secretary Francisco Duque III na ilagay ang buong bansa sa pinakamaluwag na alert level 1.

Paliwanag ng kalihim, layon ng pamahalaan na hindi na magkaroon ulit ng lockdowns dahil sa mabigat na epekto ng pandemiya sa ekonomiya ng bansa.

Kung darating aniya ang panahon na bababa ang mga kaso at kung maabot ang mas mababa sa 500 kaso sa mga susunod na linggo at mataas ang vaccination coverage sa nalalabing populasyon at senior citizens ay malaki aniya ang maaaring iluwag pa sa mga restriksyons at mas lalakas pa ang daloy ng economic activity.

Nakikita kasi aniya sa ngayon na pumapalo na lamang ng mas mababa sa 1000 ang mga naitatalang kaso ng covid19 kada araw.

Sa kasalukuyan, ang Metro Manila at 38 iba pang lugar ay nakalagay sa pinakamaluwag na alert level 1 hnaggang Marso 15.