Walang paglabag sa paglalabas ng election survey para sa mga national candidates 15 araw bago ang araw ng halalan sa Mayo 9.
Ito ang pahayag ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez, kasabay ng paglalabas ng Pulse Asia ng resulta ng kanilang voter preferences surveys para sa pangulo, bise-presidente at Senador noong Mayo 2, pitong araw bago ang eleksyon.
Aniya, hindi nalabag ng inilabas na survey results ng Pulse Asia ang probisyon na nakasaad sa Section 5.4 sa ilalim ng Republic Act No. 9006 o ang Fair Elections Act na itinuturing na unconstitutional ng Supreme Court.
Nakasaad sa Section 5.4 ng RA No. 9006 na ang mag surveys na makakaapekto sa national candidates ay hindi dapat na mailathala 15 araw bago ang election gayundin ang mga surveys na makakaapekto sa local candidates ay hindi dapata mailathala pitong araw bago ang halalan.
Subalit ayon kay Commissioner Jimenez na ang naturang section ay unconstitutional salig sa GR No. 147571.