Magbubukas sa mas maraming space explorations ang matagumpay na paglapag ng perseverance rover sa planetang Mars kung saan ay maaaring makatulong din ito sa mga suliranin ng mundo.
Ayon sa naging pahayag ng UAE-based Filipino astronomer na si Aldrin Gabuya sa naging panayam ng Star FM Baguio, ibinahgi nito na dahil sa paglapag ng Perseverance Rover sa tinaguriang “red planet” ay napatunayan ang husay at talino ng tao sa paggawa ng mas makabagong teknolohiya kung saan ay maari ring matulungan nito ang pagresolba sa issues ng sarili nating planeta.
“Dito napatunayan ang patuloy na paghusay ng tao sa pagbuo ng mga mas pinaka-hightech at makabagong pamamaraan which might help not only in building more space explorations pati na rin ang paglutas ng mga suliranin sa mundo, gamit ang agham at teknolohiya basta’t may pagkakaisa at may malawak na vision para sa ikauunlad ng lipunan”
Matagumpay ngang nakalapag ang Perseverance Rover sa Mars matapos ang anim na buwang paglalakbay sa kalawakan, kung saan ay naitala na rin ang mga unang videos ng planeta sa NASA.