Inaasahang palalayain na sa kulungan ngayong araw ang 22-anyos na aktibistang si Joshua Wong.
Taong 2014 nang pangunahan ni Wong ang Occupy Central movement o mas kilala bilang Umbrella Movement kung saan milyon-milyong mamamayan ng Hong Kong ang nagsama-sama upang barikadahan ang Central district bilang pananakot sa Beijing na payagan ang Hong Kong na magkaroon sila ng karapatang bumoto at mamili ng kanilang pinuno.
Ang paglaya ni Wong ay kasunod ng malawakang kilos protesta sa naturang bansa upang pigilan ang pagpapatupad ng extradition bill.
Dinepensahan naman ni Hong Kong chief executive Carrie Lam ang desisyon ng korte na palayain si Wong at ang mga kasamahan nito. Hinamon din nito ang mga mambabatas na araling mabuti ang desisyon na ibinaba ng Court of Final Appeal.