Iginiit ngayon ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na walang nangyaring bayaran ng ransom money para makalaya si Jose Duterte sa kamay ng bandidong Abu Sayyaf sa Sulu.
Si Duterte na hindi kamag-anak ng Pangulong Rodrigo duterte ay una nang pinalya noong nakaraang linggo makalipas ang mahigit isang taong pagkakabihag.
Inamin naman ni Duerza na noong kasagayan ng negosasyon, mayroong mga negosyador ang nagsabi sa kanya na nanghihingi raw ng ransom ang mga bandido.
Dito na raw siya dumistansiya at hindi na siya nakialam pa.
Binigyang-diin pa ng kalihim hindi umano nakikialam ang gobyerno kung meron ang sarling pakikipag-areglo ang pamilya sa mga kidnappers.
Samantala, kasabay nito, pinapurihan ng opisyal ang militar na naging daan sa pagpapalaya kay Jose Duterte, at sa misis nito kamakailan sa Panamao Sulo at sa isa pang dalagita.