-- Advertisements --

Sobejana
Wesmincom chief, Lt Gen. Cirilito Sobejana

Hindi normal ang ginagawang pagpatay ng mga Chinese warships sa kanilang Automatic Identification System (AIS) habang dumadaan sa may Sibutu Straight at hindi man lamang nagpapasintabi sa Philippine authorities.

Ito ang inihayag ni Western Mindanao Command (Wesmincom) Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana.

“Hindi naman po sila nagpapakita na agresibo sila sa pagpasok ng ating teritoryo but of course meron tayong mga ibang reservations kasi unang-una pinapatay nila yung kanilang AIS at hindi rin sumasagot tuwing tayo ay tumatawag sa kanila,” pahayag ni Lt. Gen. Sobejana.

Aminado si Sobejana na posible ang motibo sa ginagawa ng mga Chinese warships ay pang-eespiya dahil kinukunsiderang “not innocent passage” ang kanilang ginawa.

“Ang innocent passage naman ay defined kung dadaan sila sa naturang lugar, in straight line. Ibig sabihin hindi na sila mag-swerve pa towards the territory of one country, except siguro kung may inclement weather,” wika ni Lt. Gen. Sobejana.

Inaasahan kasi nilang makipag-ugnayan ang mga Chinese ships para matiyak ang kanilang kaligtasan habang dumadaan sa nasabing teritoryo.

Ayon kay Sobejana ang Sibutu Strait ay sealanes of communicatiosn kung saan dito dumadaan ang mga malalaking barko mula sa isang bansa patungo sa ibang bansa.

Paliwanag ng heneral hindi naman nila tinututulan ang pagdaan ng mga barko duon, kaya naisa lamang ng Wesmincom na ligtas ang lahat ng mga barko na dumadaan sa nasabing lugar.

Ayon sa heneral ang paglayag ng mga Chinese warships ay hindi itinuturing na innocent passage.

Binigyang-diin din ni Sobejana na responsibilidad nilang tiyakin na magkaroon ng safe passage ang mga barko sa nasabing lugar.

” Napakalaking halaga po ng cargo ang dumadaan dito, roughly mga $51 Billion ang halaga ng mga kargamento na dumadaan sa loob ng isang taon dito sa ating sealanes of communications kaya karapat-dapat lamang na isigurado natin na safe and secured yung kanilang pagdaan,” pahayag ni Sobejana.