Walang ideya ang Philippine government sa ginawang aktibidad ng US warship sa may bahagi ng West Philippine Sea na inalmahan ng China na umano’y paglabag sa kanilang soberenya.
Sa pahayag na inilabas ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kaniyang sinabi na hindi nagbibigay ng abiso ang US sa kanilang mga aktibidad kaya hindi nito alam ang ginawang paglayag ng US Navy’s guided missile destroyer na USS Hopper sa loob ng 22 kilometers ng
Panatag o Scarborough Shoal at may layo itong 230 km west ng Zambales.
Ayon sa kalihim na wala silang “say” sa kung anuman ang gagawin ng mga Amerikano sa South China Sea.
Dagdag pa ni Lorenzana na hindi rin nagbibigay abiso ang US sa kanilang mga aktibidad kaya hindi nito alam ang paglayag ng USS Hopper.
Dahil dito, kaagad nagdeploy ng kanilang frigate ang China para itaboy ang barkong pandigma ng US.
Batay sa pahayag ng US Navy’s website ang USS Hopper ay bago lamang pumasok sa US Navy’s 7th Fleet area of operations kung saan nasa “independent deployment” ito.
Kasama sa misyon ng USS hopper ang security cooperation, building partner capacity at ang ginagawang routine operations nito.