CAUAYAN CITY- Nag-viral sa Social Media ngayon ang pagligtas ng isang pulis sa buhay ng isang mangingisda na nalunod sa lungsod ng Ilagan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Patrolman Maynard Llapitan na habang nagpapatrolya ang mga kasapi ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company sa barangay Rang-ayan, ungsod ng Ilagan ay mayroong residenteng humihingi ng saklolo dahil sa may nalulunod sa ilog.
Agad anyang kumilos ang pitung pulis upang sakolohan ang nalunod na si Ramon Domingo Jr.40 anyos, binata at residente ng barangay Rang-ayan, Ilagan City.
Sinabi ni Patrolman Llapitan na noong saklolohan nila ang biktima ay halos hindi na humihinga at dahil mayroon siyang kaalaman sa Cardiopulmonary resuscitation (CPR) ay kanyang isinailalim sa CPR na naging sanhi para mag-normalized ang paghinga ng biktima.
Nangingisda anya ang biktima at napansin ng kanyang mga kasamahang mangingisda na matagal na hindi umahon at noong sinaklolohan ay natuklasang nalunod kayat kanilang iniahon na nag-aagaw buhay.
Sa ngayon ay nasa maayos nang kalagayan ang biktima.
Nanawagan naman si Patrolman Maynard Llapitan sa mga kapwa pulis na ipagpatuloy nila ang paggawa ng mabuti sa kabila na may mangilan-ilang pulis na sumisira sa kanilang organisasyon.