-- Advertisements --

Posibleng ipagpatuloy ng United Kingdom ang ginagawang paglikas ng kanilang mamamayan sa Afghanistan sa mga susunod na araw.

Ayon kay UK Foreign Secretary Dominic Raab na patuloy ang kanilang pakikipag-usap sa mga lider ng Qatar para muling buksan ang paliparan at payagang makaalis ang mga British nationals.

Itinuturing kasi na mahigpit na kaalyado ng Taliban ang Qatar.

Nanindigan din si Raab na hindi nila kailanman kikilalanin ang Taliban.

Unang sinabi ni British Prime Minister Boris Johnson na kung gusto ng mga Taliban na makipagkaibagan sa kanila ay dapat maging ligtas ang paglikas ng kanilang mamamayana na nasa Afghanistan pa.