Pinuri ni House Ways and Means Chair at Albay Representative Joey Sarte Salceda ang paglikha ni Pangulong Marcos ng Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook (IMO), na layong mapabilis ang hakbang at ang koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya sa paglaban sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
“It’s part of the Inflation Reduction Powers under my proposed Bayan Bangon Muli Act which we filed in July. If the predisposition of the President is to implement the measures in that proposal piece by piece through executive action, that also works,” pahayag ni Salceda.
Ang panukala ni Salceda, ay kaniyang inihain noong July 21, 2022, ay kinabibilangan ng paglikha ng katulad na task force “upang mag-coordinate ng mga aksyon upang patatagin ang presyo at supply” ng mga pangunahing bilihin.
Ang panukala na mayruong special powers ay ang mga sumusunod: Against anti-hoarding; to incentivize production; to provide loans and guarantees to suppliers of essential goods; against price-gouging; (motu proprio) to investigate market abuse; declaring a transport emergency with special transport powers; at to mobilize uniformed personnel to expedite programs and projects.
Batay sa pahayag ng National Economic Development Authority (NEDA) na ang bagong nabuong komite ay magsisilbing isang advisory body sa Pangulo at ng Gabinete sa hakbang na mabawasan ang inflation at matiyak ang seguridad sa pagkain at enerhiya habang binabalanse ang mga interes ng mga lokal na producer ng pagkain, mga mamimili, at ang pangkalahatang ekonomiya.
“Now that the IAC is finally constituted. It is high time for our economic team to advise the President on how to use the broad and critical powers of his office to tamp down price hikes,” pahayag ni Salceda.
Inirekomenda rin ni Salceda ang mas malaking “real sector participation sa IAC. Kaya dapat bahagi rin ng kinatawang ang DOTr, Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Energy (DOE), Department of Science and Technology (DOST), at Department of the Interior and Local Government (DILG).