-- Advertisements --
image 446

Pinag-aaralan ngayon ng pamahalaan ang paglikha ng subsidy fund para sa mga benepisyaryo ng housing program ng gobyerno.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., batid niyang maraming housing benefeciaries ang hindi makapagbayad ng kanilang buwanang amortization.

Kung kayat plano ngayon ng Pangulo kaagapay si Housing Secretary Jose Acuzar na maglagay ng inisyal na P1 billion para sa subsidy fund na ibibigay sa mga tenant.

Ginawa ng Pangulo ang naturang pahayag kasabay ng groundbreaking ceremony para sa ikalawang Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) project sa Quezon city.

Pinatitiyak din ng Pangulo sa Kongreso na magkaroon ng sapat na pondo para maisakatuparan ang naturang plano.

Una ng inihayag ng Marcos administration ang planong pagtatayo ng milyong abot kayang residential units kada taon para matugunan ang housing backlog sa bansa na nasa humigit kumulang pa sa 6.5 million units na target makumpleto bago matapos ang termino ng kasalukuyang administrasyon.