-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Walang sasantuhin si Datu Montawal Maguindanao Mayor Datu Otho Montawal sa mga residente o kanyang mga nasasakupan na matitigas ang ulo at ayaw tumalima sa kautusan ng DILG.

Si Mayor Montawal ang nanguna sa paggiba sa mga harang sa mga pampublikong lansangan sa lahat ng uri ng obstruction (sagabal) kasama ang pulisya at militar.

Alinsunod sa inilabas na Memorandum Circular ng DILG hinggil sa paglilinis ng lahat ng mga pampublikong lansangan laban sa mga ilegal na vendors, ilegal na istruktura at mga sasakyan na ilegal na nakaparada.

Matatandaang una nang sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na 60-araw ang ibibigay nilang palugit sa mga alkalde upang tumalima sa kanyang kautusan, ngunit kalaunan ay pina-igsi ito at ginawang 45-araw na lamang.

Binalaan din ni Montawal ang mga residente na nagbibilad ng palay at mais sa national highway na kung silay mahuhuli ay magmumulta at maaring makulong pa.

Dagdag ng alkalde, sa mga alagang hayop na pakalat-kalat sa national highway ay may kaukulang kaparusahan rin ito sa mga nagmamay-ari.

Kung magmamatigas yong may-ari ng mga kalabaw,baka,baboy at iba pa na nasa gilid ng kalsada,kukunin ng LGU,pagmultahin sila o kaya gatayin na lamang at ipakain sa taong bayan.

Sa kautusan ng Presidente ang hindi sumunod na mga Alkalde ay masususpinde o kaya sipain sa pwesto,