-- Advertisements --
jinggoy estrada
Ex-Sen. Jinggoy Estrada

Magsisimula nang iprisenta ni dating Sen. Jinggoy Estrada ang kanyang mga ebidensya sa susunod na buwan matapos na ibinasura ng Sandiganbayan ang kanyang apela para sana sa outright dismissal ng kanyang plunder case na may kaugnayan sa kontrobersiyal na pork barrel scam.

Sinabi nitong araw ng Fifth Division ng anti-graft court na ang continuation ng paglilitis kay Estrada ay magsisimula sa Hulyo 8 dakong alas-8:30 ng umaga.

Nadiin si Estrada sa umano’y maling paggamit ng kanyang Priority Development Assistance Fund sa mga bogus foundations ng plunder convict na si Janet Lim Naples bilang kapalit ng P183 million halaga ng kickbacks.

Dahil bigo aniya ang prosekusyon na patunayan ang kanyang partisipasyon sa pork barrel scam noong 2004 hanggang 2012, naghain si Estrada ng demurrer to evidence sa Sandiganbayan.

Pero ayon sa korte, mas mainam kung ipagpatuloy na lamang ang paglilitis para dito kuwestiyunin ni Estrada ang mga alegasyon laban sa kanya, lalo pa at mayroon naman sapat na ebidensya ang prosekusyon laban sa dating senador.