-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Sec. Joey Concepcion ang naging pahayag nito na paglimita sa paggalaw ng mga indibidwal na hindi pa nababakunahan.

Sinabi nito na may ilang karapatan ang dapat isantabi para sa kapakanan ng nakakarami.

Iginiit nito na habang nasa pandemya ang bansa ay nararapat na isantabi ang ilang mga karapatan.

Itinuturing kasi na nasa “high risk” ang mga unvaccinated kaya nararapat na sila limitahan ang kanilang paggalaw.

Muling nanawagan ito sa mga employers na dapat ituloy nila ang paghikayat sa mga hindi pa nababakunahan na mga empleyado.