Itinuturing pa rin ng kompaniya ni Elon Musk na tagumpay ang test flight ng kanilang higanteng experimental rocket kahit ito ay nasira dahil sa pagsabog.
Wala namang sakay sa 160-foot-tall na tinaguriang Starship.
Una rito, matagumpay na nakalipad ana rocket ng hanggang walong milya ang taas mula sa testing facility sa South Texas.
Gayunman nang pabalik na ito sa mundo sa kanyang paglapag ay nag-crash ito at sinundan ng malakas na pagsabog na nagdulot nang pagkawasak ng Starship.
Hangad ng spaceship na makarating sa planetang Mars sa darating na mga panahon para magdala ng tao.
Bago pa man ang paglipad ng sasakyang pamnghihimpapawid na tinawag ding “SN8,” sinabi na ni Musk na isa sa tatlo lamang ang tiyansa ng Starship na makabalik ng maayos sa mundo.