-- Advertisements --
image 268

Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na maaaring nagkaroon ng “clearance” issue sa umano’y “unauthorized” na pag-alis ng isang private jet sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Bureau of Immigration spokesperson Dana Sandoval, may sampu umanong pasahero ang nasabing private jet.

Aniya, ang kanilang inisyal na pag-veverify ay nagpakita na ang mga pagkakakilanlan ng mga pasahero ay tumugma sa impormasyon sa pribadong craft manifest.

Sa ginawang inspection, sinabi ng ground officer wala din itong derogatory record.

Dagdag pa ni Sandoval na ang pag-verify ng kawanihan ay nagpapahiwatig na ang mga pasahero ay kasama rin sa pangkalahatang deklarasyon ng eroplano na kung saan binanggit niya na kasalukuyang sinusuri ng Bureau of Immigration ang clearance ng mga pasahero.

Nakaalis umano ang aircraft nang walang clearance kaya naman, iimbestigahan ito ng naturang kawani dahil ang ibang government agencies ay nagbibigay ng clearance na maaaring nagdulot ng problema sa paglipad nito.

Kaugnay niyan, inihayag ng tagapagsalita ng Bureau of Immigration na nakikipag-ugnayan na ito sa Philippine National Police (PNP) hinggil sa naturang kaso sa isang private jet sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).