Pinigilan ng Korte Suprema ang paglilipat ng pondo ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth sa pamamagitan ng paglalabas ng temporary restraining order (TRO).
Ayon sa tagapagsalita ng SC na si Atty. Camille Sue Mae Ting, ang naturang TRO ay epektibo kaagad matapos na paburan ng korte ang prayers o kahilingan ng tatlong petitioner.
Kabilang sa mga petitioners ay ang 1Sambayan, Senator Aquilino “Koko” Pimentel, at Bayan Muna na humiling na harangin ang paglilipat ng Philhealth funds sa National Treasury.
Kung maaalala, nailipat na ang aabot sa P20 billion na pondo noong May 10 at karagdagang P10 billion noong August 21, 2024.
Nailipat na rin ang ikatlong tranche nagyong buwan na nagkakahala nang aabot sa P30-B.
Paliwanag pa ni Atty. Ting , hindi na maibabalik sa Philhealth ang pondo nito na una nang nailipat sa National Treasury dahil hindi na ito sakop ng TRO.