-- Advertisements --

Pinaplano umano nina Duke and Duchess of Sussex Harry and Meghan Markle na pansamantalang lumipat sa Africa matapos manganak ni Meghan.

Iminungkahi umano ito ni David Manning, dating British ambassador to the US and special adviser on international affairs to Prince Harry, upang tuparin ang isa sa kanilang major international role.

Inaasahan naman na makakapag-desisyon na ang mag-asawa bago mag 2020.

Sapat na time frame na umano ito habang pinapalaki ang kanilang anak sa kanilang bahay sa Windsor.

Buo naman ang pagsuporta ni Prince William sa kung ano man ang maging desisyon ng kanyang kapatid.

Sa ngayon, wala pang impormasyon kung alin sa mga bansa sa Africa maninirahan ang mag-asawa ngunit mayroong 19 na Commonwealth nations sa nasabing kontinente tulad ng South Africa, Nigeria, Uganda at Ghana.

Una ng binisita nina Prince Harry at Meghan ang North Africa at Morocco noong Pebrero.

Kamakailan lamang nang italaga si Duchess of Sussex Meghan Markle bilang Vice President of the Queen’s Commonwealth Trust.