-- Advertisements --
image 48

Inaprubahan na ng Regional trial court branch 304 ang request ng Department of Justice (DOJ) na ilipat ang umano’y drug trafficker na si Jad Sera mula sa detention center ng National Bureau of Investigation (NBI) patungo sa Muntinlupa city jail male dormitory.

Inatasan ang bagong detention facility na paglilipatan kay Dera na magkustodiya sa naturang akusado habang nakabinbin pa ang kaso nito at hanggang sa may ibabang orders mula sa korte.

Pinayagan din ng regional trial court ang Chief of the Security Management Section ng NBI at Muntinlupa jail warden na dalhin at eskortan si Dera sa pagdalo nito sa isang pagdinig sa Senado ngayong araw, Hulyo 5.

Una rito, hiniling ng DOJ na mailipat si Dera sa ibang pasilidad matapos na mahuli ito na bumalik mula sa labas ng detention facility ng NBI mula sa isang dinner sa isang buffet restaurant kasama ang anim na security personnel mula sa NBI noong nakalipas na buwan.

Ilan pa aniya sa mga tinatamasang pribilihiyo ni Dera sa loob ng piitan ng NBI ay ang paglabas-masok nito ng detention center para magbiyahe sa mga lugar na umaabot pa sa Tagaytay, Subic at Calatagan sa Batangas gayundin ang ibinibigay umano na special treatment sa kaniyang pagkain at sleeping conditions.

Tinitignan na ng DOJ at NBI ang reports na nagbayad ito ng daan-daang libong pera para sa mga nasabing pribilihiyo.

Bagamat itinanggi naman ni Dera na sinuhulan niya ang mga opisyal para makalabas ng detention ng maraming beses.

Kung matatandaan, humaharap si Dera ng drug case kung saan inakusahan itong nagpapatakbo ng illegal drug trade sa loob ng Bilibid kasama si dating Senator Leila De Lima.