-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Ibinida ng 4th Infantry Diamond Division na mas dumami pa ang bilang ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) na nagbalik loob sa gobyerno.

Umabot na sa 346 ang bilang ng mga rebelde ang sumuko simula nang inilunsad ang “peaceful war” nitong taon lamang.

Kabilang sa mga sumuko ang mga opisyal, medics at maging mga ordinaryong miyembro ng NPA.

Nasa 53 rin na mga armas at war materials ang kasamang isinuko ng mga rebelde na kinabibilangan ng M16 rifles, US Garand rifles, US Carbine rifle, improvised M79 grenade launcher, anti-personnel mine at marami pang iba.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang panawagan ng militar sa iba pang mga rebelde na sumuko na rin upang makapamuhay ng normal at tiyak rin na mabibigyan ng hanapbuhay.