-- Advertisements --
May mga paglobo ng kaso ng COVID-19 sa mga kalapit na lugar ng Metro Manila.
Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, na ang nasabing pagtaas ay nakitaan sa Calabarzon, Central Luzon, Ilocos Region at Cagayan Valley.
Dahil dito ay tinawaga niya ang mga regional directors ng DOH at maging ang mga opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) na palakasin pa ang kanilang vaccination efforts.
Umaabot naman sa 43 na kaso ng Omicron variant ang kanilang nakitaan kung saan 21 sa mga dito ay naktia sa mga returning overseas Filipinos.