-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Ikinababahala ngayon ng mga otoridad ang patuloy na pagtaas ng kaso ng online sexual exploitation sa Eastern Visayas.

Ayon kay PMSgt. Sarah Mores, investigator ng Women and Children Cyber Protection ng Regional Anti-Cybercrime Unit, mula nang maitatag ang kanilang unit nitong taon ay umaabot na sa 30 mga kabataan ang kanilang mga nare-rescue.

Batay sa kanilang record, kasama sa pinakabatang nailigtas ay ang isang dalawang buwang sanggol.

Karamihan naman sa kanilang isinagawang operasyon ay sa probinsya ng Biliran kung saan ilan sa mga suspek ay kapamilya lang mismo ng mga biktima.

Sinabi ni Mores, madaling nahihikayat ng mga online traffickers ang mga kabataan ng internet child exploitation dahil na rin sa mataas na income na nakukuha na umaabot pa sa P5,000 ang bawat sesyon.