-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Pinalawig pa ng Cauayan City Veterinary Office ang lockdown o pagsasara ng slaugther house.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Veterinary Officer Dr. Ronald Dalauidao sinabi niya na nakadepende sa tagal ng pagsasara ng pribadong pamilihan ang tagal din ng pagsasara ng slaugther house.

Aniya, dahil sa tigil operasyon ng slaugther house ng lungsod dapat ay wala na ring itinitindang karne ng baboy ngayon ang mga maliliit na meat vendors.

Kung sakali man aniyang meron pa rin ay maaaring maituring na umano itong hot meat dahil matagal na itong nakatay o posibleng hindi rin ito kinatay sa slaugther house ng Lunsod.

Una rito ay nagsimula nang mangumpiska ng mga itinitindang karne ng baboy ang mga kasapi ng City Veterinary Office at batay sa kanilang pagtala katuwang ang mga kasapi ng Cauayan city Police station nasa tatlumput anim na kilo ng karne ng baka at labing limang kilo ng karne ng baboy ang kanilang nakumpiska.

Muling nagbabala ang City Veterenary Office na maaaring magdulot ng sakit at food poisoning ang pagkain ng mga karneng hindi dumaan ng slaugther house.