-- Advertisements --
Gary Alejano
Gary Alejano/ FB post

DAGUPAN CITY- Dapat na imbestigahan at kondenahin.


Ito ang iginiit ni Magdalo Partylist Rep. Garry Alejano, sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan matapos na lumubog ang isang sasakyang pandagat na may lulang mga Pilipino matapos banggain ng isang barkong Tsino sa West Philippine Sea.

Dapat aniya na kondenahin ito dahil kahit pa sabihing hindi sinadya, may ginawa pa ring hindi katanggap ang hanay ng mga nakasakay sa Chinese Fishing Vessel dahil pinabayaan nalamang aniya nila ang mga crew nito kayat masasabi na mayroong intensyong manakit ang mga ito.

Mabuti nalamang ayon sa mambabatas ay nailigtas ng isang Vietnamese fishing vessel ang nasa 22 Filipino crewmen bago tuluyang lumubog ang kanilang sinasakyan.

Giit pa ni Alejano, dapat din itong maimbestigahan kahit pa lumalabas na hindi ito sinadya para malaman ang totoong nangyari at mapanagot ang mga may sala lalo at alam naman aniya natin na ang mga barko ng mga intsik sa lugar ay bahagi ng Chinese Militia sa lugar.