-- Advertisements --
Inaasahan pa rin daw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagsadsad ng ekonomiya kahit niluwagan na ang maraming negosyo sa bansa.
Ayon sa pagtaya ng BSP bubulusok pa umano ngayong third quarter ang ekonomiya lalo na ang tinatawag na gross domestic product (GDP).
Tinukoy pa ng BSP na bagamat naibsan ang lockdown mula noong buwan ng Hunyo, lumala naman daw ang kalakalaran sa mga industriya at sa services sector.
Sa ngayon batay sa mga projections makakabangon lamang ang ekonomiya ng Pilipinas sa taong 2021 at 2022.
“Limited improvements in mobility indicators suggest that the public is opting to stay at home which could affect retail sales and spending for other non-essentials,” ani BSP.