-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Makaraan ang halos apat na taon na pagplano, nabigyan na ng katuparan sa wakas ang matagal nang hinahangad na unified ticketing system para sa mga turista na magbabakasyon sa Isla ng Boracay kasunod sa paglunsad ng gobyerno probinsiyal ng Aklan ng initiator and partner of pisopay for boracay island pass or IPASS.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ng negosyanteng si Bong Tirol na layunin ng nasabing inisyatibo na magsilbing online registration para sa environmental fee, registration for terminal fee, at boat fee kung saan, katuwang ng provincial government ang PisoPay sa pagpatupad ng iPass na inaasahang magiging maginhawa ang paglayag patawid sa isla ng mga local and foreign tourists lalo na ngayong holiday season na inaasahan ang pagdagsa ng mga bakasyunista.

Ang PisoPay ang kokolekta ng P150 para sa terminal fees, P150 para sa environmental fees, at P50 para sa bangka kung saan, ang mga foreign tourists ay sisingilin naman ng P300 sa bawat environmenal fees.

Kaugnay nito, hinihikayat ang mga turista na magpa register muna gamit ang PisoPay website kung saan, may ilang staff aniya ang PisoPay upang tumulong sa mga turista sa kanilang booth sa Caticlan jetty Port.

Samantala, inaasahan rin na maglulunsad ng kaparehong application para sa mga residente sa susunod na taon.