-- Advertisements --
Mayor2 1

BUTUAN CITY – Nananiwala si Sison, Surigao del Norte Mayor Karissa Fetalvero-Paronia na politically motivated ang paglusob ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa tatlong barangay ng kanilang bayan.

Sa panayam ng Bombo Radayo Butuan, inihayag ni Mayor Paronia na may pulitiko umanong nasa likod sa ginawa ng mga rebeldeng NPA kungsaan tinatakot ang mga residente na hindi siya susuportahan sa susunod na election.

Ayon kay Mayor Paronia propaganda lamang umano ang pagbibintang sa kanya na may kinalaman sa pagpatay sa ama ng pinakataas na opisyal ng grupo sa Surigao del Norte na si Ka Edroy noong Setyembre 11, 2020 dahil ang totoo ay ginagamit lamang ito ng oposisyon.

Matatandaan na nitong nakaraan taon ay pinasok rin ng mga rebelde ang barangay Ima at hinakayat isang dating konsehal na tumakbo sa ilalim ng patrido ng oposisyon at nangakong susuportahan ito.