-- Advertisements --

Tinawag ni US President Joe Biden na hindi dapat maging dahilan ng pagkatakot at sa halip ay maging dahilan ng pagkabahala ang paglitaw ng Omicron variant ng COVID-19.

Sinabi nito na mayroon ng pinakamagaling ng bakuna, gamot ang mga eksperto sa buong mundo at bawat araw ay pinag-aaralan nila ang nasabing virus.

Lalabanan aniya ng US ang variant sa pamamagitan ng siyentipikong at may kaalamanan na hakbang at hindi sa pagkabahala at kaguluhan.

Itinuturing pa rin nito na ang bakuna pa rin ang nangungunang proteksiyon laban sa COVID-19.

Naniniwala ito na gumagawa ng paraan ang mga eksperto para mabago ang bakuna na kayang labanan ang bagong variant ng COVID-19.

Sa ngayon ay hindi pa pinag-iisipan ng US government na magpatupad ng lockdown.