-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinahina lang umano ng tuluyan ng gobyerno ang moral ng mga magsasakapang Filipino sa panibagong kautusang ehekutibo numero 20 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa bansa.

Ito ang reaksyon ng grupo ng mga kababaehang magsasaka na Amihan National Federation of Peasant Women at Bantay Bigas sa hakbang na pinasok ng Marcos administration ukol sa kasalukuyang kalagaya ng agricultural sector.

Tinukoy ni Cathy Estavillo sa nasabing mga grupo ang pagluwag ni Marcos sa importation policies ng bansa upang dadami umano ang mga mumurahin na agri-products na mabilis mabibili ng taong-bayan sa panaho ng krisis.

Sinabi ni Estavillo na hindi pagtulong ang ginawa ng gobyerno subalit pagpatay umano ng unti-unti ng local farming ng bansa.

Nagpapakita umano kung gaano kahina ang gobyerno sa pagharap at paghahanap ng pang-matagalan na solusyon sa kinaharap na suliran sa usaping agrikultura kung saan kilala ang Pilipinas na agricultural country subalit numero na sa buong mundo na taga-angkat ng bigas nitong taon.