-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Kinumpirma ng City Health Office ang tuluyan nang pagbaba ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa Santiago City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Genaro Manalo, City Health Officer ng Santiago City na nasa 203 na lamang ngayon ang aktibong kaso ng COVID-19 matapos magtala ng 20 panibagong kaso.

Nasa tatlo namang kaso ang naitalang reinfection ngayong araw at apat ang nasawi dahil sa nasabing virus.

Patuloy ang paalala ang City Health Office sa mga residente na palaging mag-ingat at sundin ang mga health protocol upang maiwasang mahawa sa virus.

Bukas na rin ang CHO sa pagluwag ng restrictions kasunod nang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa santiago City.

Ayon kay Dr. Manalo bagamat marami na ring mga residente ang nabakunhan ay hindi garantiya na hindi na sila makakapitan ng virus kayat mainam na sumunod pa rin sa mga health protocol.

Tiniyak naman ni Dr. Manalo na sapat ang mga quarantine facilities kabilang ang mga Hotel at local government units (LGUs) facilities at nasa 70 pa rin ang nanatili sa mga nasabing pasilidad.