-- Advertisements --

Pinuri ni Presidential Adviser for Entrepreneurship and Go Negosyo founder Jose ‘Joey’ Concepcion III ang naging hakbang ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na luwagan na ang travel restrictions.

Sinabi ni Concepcion na ang nasabing hakbang ay magpapalago ng ekonomiya.

Makakatulong ito sa mapanatili ang paglago ng ekonomiya na naranasan noong huling bahagi ng 2021.

Magugunitang sa inilabas ng IATF ang Resolution 159 na pagtanggal na ng facility-based quarantines sa mga returning overseas Filipino at mga foreign nationals saan mang bansa sila nagmula.