KALIBO, Aklan – Maituturing na “welcome development” ang bahagyang pagluwag ng Inter Agency Task Force sa COVID-19 testing na requirement sa mga turistang nais pumunta sa isla ng Boracay.
Ayon kay Malay Mayor Frolibar Bautista na isa ito sa kanilang mga apela upang madagdagan ang bilang ng mga turista.
Inirereklamo aniya ng ilang mga bisita na masyadong alanganin ang pagkuha ng hinihinging negatibong resulta ng COVID-19 swab test bago ang petsa ng binabalak na bakasyon.
Sa kasalukuyan ang dating 48 oras na “Test-Before-Travel” requirement ay ginawa nang 72 oras.
Inaasahang sa pamamagitan nito ay makahikayat ng mas marami pang local tourist.
Sinabi pa ni Mayor Bautista na simula nang buksan ang Boracay noong Oktubre 1 mula sa iba pang mga turista sa labas ng Western Visayas ay nananatiling mababa ang bilang ng tourist arrival.
Isinisisi ito ng mga negosyante sa mahirap at mahal na swab tests.